KABANATA VIII - MALIGAYANG PASKO
I. TAUHAN
Juli - anak ni Kabesang Tales na umalis sa kanilang tahanan upang manilbihan kay Hermana Penchang
Tandang Selo - ang ama ni Kabesang Tales na nawalan ng tinig dahil sa kalungkutang naramdaman na ang kanyang apo ay manilbihan bilang alipin.
Hermana Penchang - amo ni Juli.
II. MAIKLING BOUD
Paggising ni Juli ay nabatid niyang walang nangyaring himala at dalawang daa’t limampung piso na dapat ibabayad para sa kalayaan ni Kabesang Tales. Kakailanganin niyang magpa-alila at naghanda na siya upang tumungo sa bahay ng amo. Siya’y umalis na habang si Tandang Selo ay nanatiling napakalungkot kahit na pasko na. Dahil sa labis na kalungkutan ay napipi ang matanda.
III. PAGSUSURING PANGNILALAMAN
1. Lugar at Panahon - ito naganap ay sa bahay ni Kabesang Tales sa nayon ng Sagpang, bayan ng Tiani, Kanugnog ng San Diego. Ito ay iginunita sa araw ng Kapaskuhan.
2. Suliranin - Ang mga magulang ng mga bata ay sobrang higpit dahil ang mga bata ay pinipilit ng mga magulang nila na bihisan ng maganda at sila ay kinukurot at binubulyawan kapag sinusuway nila ang utos ng magulang nila o kapag hindi nila sinusunod ang mga utos. Dahil sa paninilbihan ni Juli kay Hermana Penchang.
3. Isyung panilipunan - ang isyung panlipunan nito ay ang pang-aabuso at hindi pagkapantay-pantay na trato sa tao. At ito ay mahihintulad sa henerasyon ngayon na maraming tao na hindi marunong pumantay at umaabuso sa maraming pamamaraan.
IV. ARAL
Ang aral sa kabanata na ito ay gagawa talaga ng paraan ang mahal mo sa buhay upang mapabuti ka. Katulad sa ginawa ni Juli siya ay nagsakripisyo upang mapalaya si Kabesang Tales. May marami ding tao na malungkot tuwing pasko dahil hindi kompleto ang pamilya. Kaya kapag kompleto ang pamilya dapat maging masaya at ibahagi ang pagmamahal, di bale na walang malaking handaan kundi ang importante ay kompleto ang pamilya. Dahil ito ay isang malaking biyaya na ibinigay sa ating poong maykapal.
No comments:
Post a Comment